Dinaluhan ng mga kaibigan, kamag-anak at kapitbahay ang misa na idinas para kay Kian Delos Santos.
Bago ang misa na isinagawa sa Sta. Quiteria Church, nagtipon-tipon muna ang mga mahal sa buhay ni Kian na pawang nakasuot ng T-shirt na may nakasulat na ‘Justice for Kian’.
Nagsagawa sila ng protesta na tinawag nilang “Run Kian Run” walk of justice at naglibot sa Brgy. 160, sa Sta. Quiteria.
Pinangunahan ng ama ni Kian na si Saldy delos Santos ang protesta kasama si Fr. Robert Reyes.
Sa idinaos na misa, sinabi ni Fr. Reyes na ang mga tanong na dapat na masagot ay kung sino talaga sa mga pulis ang nakapatay kay Kian, at kung sino ang nagpapatay sa kaniya.
Matapos ang misa, nag-alay ng rap ang mga kaibigan ni Kian na personal nilang isinulat para sa yumaong teenager.
Kian's friends rap a song they composed for him. "Wala kang kasalanan, wala kang kasalanan, inosente ka Kian" pic.twitter.com/518x9P7rxx
— Krixia Subingsubing (@kasubingsubing) August 25, 2017
Si Lennard Macorol naman na bestfriend ni Kian, hindi napigilan ang pagbuhos ng emosyon nang magsalita siya sa simbahan.
Tanong ni Marocol, bakit ang mga pulis na iniidolo nila ni Kian ang sila pang pumatay sa kaniyang kaibigan.
Lennard Macorol, Kian's best friend: Kayo po (mga pulis) 'yung iniidolo naming dalawa. Bakit po kayo pa 'yung pumatay sa kaniya? pic.twitter.com/Tgi9ZLJScL
— Krixia Subingsubing (@kasubingsubing) August 25, 2017