Pulis, patay sa pananambang sa Sorsogon

 

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Bulan sa Sorsogon.

Kinilala ni Sorsogon Police director Senior Supt. Marlon Tejada ang biktima na si SPO1 Nestor Austero na hepe ng investigation division ng Bulan police.

Pinagbabaril aniya ng tatlong armadong mga rebelde si Austero sa Barangay Somagongsong pasado alas-4:20 ng hapon ng Huwebes.

Ayon pa sa mga imbestigasyon, nilapitan ng mga suspek si Austero at saka pinagbabaril ang biktima.

Apat na tama ng bala ang natamo ni Austero sa kaniyang ulo dahil sa naturang pananambang.

Nagawa namang makatakas agad ng mga rebelde, kasabay ng pagtangay ng mga ito sa service firearm at motorsiklo ni Austero.

Read more...