Hiling ng isang abogado na ilabas ang SALN ni Sereno, pinagbigyan ng SC

 

Binigyang pahintulot na ng Korte Suprema ang paglalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, alinsunod sa kahilingan ni Atty. Larry Gadon.

Hinihingi ni Gadon ang mga SALN ni Sereno mula noong 2010 hanggang sa kasalukuyan, para magamit ang mga dokumento sa impeachment complaint.

Bukod sa SALN, pinayagan rin ng SC ang paglabas ng mga certified copies ng ilang mga resolusyon tungkol sa mga pagbabago sa ilang mga rekomendasyon, mga liham, mga dokumento tungkol sa delivery ng mga motorsiklo na para sa escort ni Sereno, listahan ng mga biyahe ni Sereno sa loob at labas ng bansa mula 2012 hanggang ngayong taon kabilang ang listahan ng mga sumama sa kaniya at iba pang detalya tungkol dito.

Hiningi rin ang listahan ng lahat ng mga consultants ng Korte Suprema at Office of the Chief Justice at mga kontrata nito sa mga development partners mula noong 2012.

Noong Agosto 10 lamang ay nakuha naman na ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang mga records mula sa Korte Suprema na gagamitin rin nila para sa impeachment complaint laban kay Chief Justice.

Read more...