Gamit ang sniper rifle, Duterte pinutukan ang kuta ng Maute sa Marawi

 

Malacañang photo

Hindi lamang pagbisita sa mga tropa ng militar na nasa Marawi City ang ginawa ng Pangulo sa pagbisita nito kahapon.

Dahil bukod dito, pinaputukan pa mismo ng pangulo ang pinaniniwalaang pinagkukutaan ng nalalabing puwersa ng Maute group gamit ang sniper rifle.

Sa kanyang pagdating sa lungsod, nagtungo pa ang pangulo at ang kanyang convoy sa labas ng safe zone ng Marawi City upang personal na silipin ang pinsalang idinulot ng Maute group sa lungsod.

Bukod dito, binisita rin ng pangulo ang isang pansamantalang patrol base ng militar.

At habang naka-full battle gear, iniumang ng pangulo ang isang sniper rifle sa direksyon ng sentro ng Marawi City at ipinutok ito.

Gayunman, hindi malinaw kung may tinamaan ang pangulo sa kanyang pagpapatok ng sniper rifle.

Sa ilan pang mga larawan na inilabas ng Malakanyang, makikita ang pangulo na lulan na nasa loob ng isang sasakyan na nakasuot ng vest at helmet at may bitbit pang armas.

Ito na ang ikatlong pagbisita ng pangulo sa Marawi City mula nang tangkain itong kubkubin ng teroristang grupo.

Read more...