Bahagyang lumakas pa ang bagyong ‘Jolina’ habang tinatahak ang northwest direction.
Sa pinakahuling severe weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 430 kilometro east southeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas na 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kph.
Inaasahang lalakas pa ang bagyong ‘Jolina’ bago ito mag-landfall sa northern Luzon sa pagitan ng Byernes ng gabi hanggang Sabado ng umaga.
Nakataas na ang Tropical Cyclone warning Signal No. 1 sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.
MOST READ
LATEST STORIES