BOC, inaming nagkamali sa pagsingil ng tax sa Championship belt ni Jujeath Nagaowa

 

Inamin ni Customs Commissioner Bert Lina na nagkamali ang kanilang hanay nang singilin ng buwis ang Championship belt na inuwi sa Pilipinas ng isang Filipina boxer at Mixed Martial Arts Fighter na si Jujeath Nagaowa.

Sa pagdalo ni Lina sa hearing ng Senate Ways and Means Committee hearing na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara, aminado si Lina na mali sila sa ginawang paniningil ng buwis sa champion MMA fighter.

Ngunit iginiit ni Lina na isolated case daw ito dahil wala sa pangalan ng boxer ang belt.

Pinatitiyak naman ni Angara kay Lina na hindi na mauulit ang kahalintulad na pangyayari at sa halip ay gabayan ang mga atletang Pinoy na agad namang tinugunan ng Customs official.

Si Nagaowa ay nagwagi sa International Light Flyweight Title sa Women’s IBA sa China kamakailan.

Gayunman nang kanyang ipadala ang belt mula China tungo dito sa Pilipinas, siningil ang kampeon ng halos anim na libong piso bilang tax ng BOC.

 

Read more...