PAGASA magkakaroon ng mga bagong Doppler-Radar sa 2016

 

Inquirer file photo

Madaragdagan ang mga Doppler-Radar ng PAGASA, na inaasahang magpapalakas sa pagtaya ng panahon ng ahensya.

Sa pagdinig ng House Appropriations Committee sa 2016 Budget ng Department of Science and Technology o DOST, sinabi ni Secretary Mario Montejo na nasa limang Doppler-Radar ang bibilhin para sa PAGASA sa susunod na taon.

Ayon kay Montejo, nakapaloob ang pag-acquire ng mga Doppler-Radar sa mga programa na popondohan ang 17.9 billion pesos na kabuuang pondo ng DOST, kung saan attached agency ang PAGASA.

Kumpiyansa naman si Montejo na sa pamamagitan ng dagdag na mga Doppler-Radar, masasakop na ng kanilang monitoring ang mga interior area, kaya tiyak na makakapagbigay na ang PAGASA ng mas accurate na impormasyon sa lagay ng panahon, maging ang taglay na lakas na ulan ng sama ng panahon.

Kinumpirma naman ni Montejo na sa unang pagkakataon ay gagamitin na rin ang mga Doppler- Radar para sa pagsasagawa ng cloud seeding, sa pinagsanib na pwersa ng DOST at Agriculture Department.

Ito’y sa harap ng banta ng mas matinding El Nino ngayong Setyembre, at inaasahang manunumbalik sa normal sa Mayo hanggang Hunyo ng 2016.

Umaasa si Montejo na magiging sapat pa rin ang suplay ng tubig mula sa ulan, para sa pangangailangan ng Metro Manila at kalapit lalawigan.

 

 

Read more...