Sa pagsisimula pa lamang ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order ay kapansin-pansin ang pag-iyak ng mga magulang ng napatay na si Kian na sina Zaldy at Lorenzana Delos Santos.
Bagaman mabigat sa kanilang kalooban na iwan ang burol ng kanilang 17-anyos na anak ay naglakas-loob sila na pumunta sa Senado para pakinggan ang imbestigasyon sa pagkamatay ng kanilang anak.
Mas lalong naging emosyonal si Aling Lorenzana nang makaharap ang mga pulis na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz na mga kasapi ng Caloocan City PNP.
Ang nasabing mga pulis ang itinuturong nasa likod ng pagkamatay ni Kian sa isigawang Oplan Galugad sa Brgy. 160 sa nasabing lungsod.
Sa kanilang pagharap sa Senado ay nanatiling tahimik ang mga pulis lalo nan ang sila’y tanungin kung sino sa kanila ang nakabaril kay Kian.
Pero sa after operation report ng Caloocan PNP ay lumilitaw na si PO3 Oares ang nakabaril sa biktima.