Comelec Chairman Bautista, pinag-aaralan nang magbitiw sa pwesto

Kuha ni Erwin Aguilon

Pinag-aaralan ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista ang pagbibitiw o kaya naman ay paghahain ng leave of absence.

Sa isang ambush interview sa kamara sinabi ni Bautista na ito ang kaniyang mga opsyon sa ngayon.

Tinitimbang umano niya ang interes ng kaniyang pamilya at ng buong Comelec.

Samantala, tumanggi namang magkomento ang opisyal sa inihaing impeachment complaint laban sa kaniya.

Gayunman, ayon kay Bautista handa niya itong sagutin pero sa ngayon ay hindi pa niya nababasa ang reklamo.

Si Bautista ay humarap sa kamara para sa pagdinig ng panukalang P16.15 billionna budget ng Comelec para sa susunod na taon.

 

 

 

 

 

Read more...