Posibleng dalawang tao ang bumaril sa 17-anyos na grade 11 student na napaslang sa Oplan Galugad sa Caloocan City.
Ito ay base sa trajectory ng bala tumama sa binatilyo.
Ayon kay PAO forensic consultant Erwin Efre, base sa autopsy na kanilang ginawa, 3 fatal gunshots ang tama ni Kian, 2 tama sa tenga at 1 sa gitnang likuran.
Aniya, acute angle ang tama ni Kian sa kanyang likuran at likod ng tenga habang 90 degrees angle naman ang tama sa isa pang tenga.
Paliwanag ni Efre, posibleng ibang tao ang nagpaputok sa likod ni Kian at iba rin ang nagpaputok ng finishing shot.
Samantala, nanindigan naman si Efre na tama ang findings nila at mali ang crime laboratory result ng Philippine National Police.
WATCH: Bumaril kay Kian Delos Santos, posibleng dalawang tao – PAO I @dzIQ990 pic.twitter.com/CpmL3VOZIB
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) August 24, 2017
Matatandaang kahapon sinabi ni Dr. Jane Monzon, PNP Crime lab medico-legal officer, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo si Delos Santos at wala itong tinamong tama ng bala sa katawan.
Ipinapalagay nya rin na nasa mahigit 60 centimeters ang layo ni Kian mula sa dulo ng baril na nangangahulugan na malayuan ang pagbaril dito.