Konstruksyon para sa Out-Patient Department sa Eastern Visayas Regional Medical Center, sisimulan na bukas

Inquirer file photo

Bukas na nakatakdang simulan ang konstruksyon ng isang bagong gusali para sa Outpatient Department ng Eastern Visayas Regional Medical Center o EVRMC sa Tacloban City.

Nasira kasi ng Bagyong Yolanda ang EVRMC.

Bukod dito, nakatayo ang ospital sa Magsaysay Blvd na idineklarang hazard zone kaya’t ililipat ito sa brgy. Bagacay, Cabalawan sa Tacloban pa rin.

Popondohan ng Japan ng 300 million pesos ang pagpapatayo ng pampublikong ospital na tatagal ng isa’t kalahating taon.

Sa 2017 inaasahang magagamit ang pagamutan.

 

Read more...