WATCH: 4 sugatan sa banggaan ng motor at tricycle sa Malate, Maynila

Kuha ni Cyrille Cupino

Apat ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa kanto ng Quirino Ave. at Roxas Blvd., sa Malate, Maynila.

Kwento ng driver ng motorsiklo na si Kim Bulatao, 25 anyos, galing umano siya ng Pasay at papauwi na sana ng Binondo.

Naka-go na umano ang kanilang lane at naka-stop na dapat ang lane ng tricycle, pero mabilis pa rin itong dumiretso dahilan para magsalpukan ang dalawang sasakyan.

Wasak ang unahang gulong ng motor at nayupi rin ang harapang bahagi ng tricycle.

Nagtamo naman ng mga sugat sa tuhod at balikat ang driver ng motor.

Ayon naman sa ina ng driver ng tricycle, menor-de-edad at wala pang lisensya ang kanyang anak.

Dinala na sa Ospital ng Maynila ang mga sugatang biktima para lapatan ng lunas.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manila Traffic Bureau sa nasabing aksidente.


 

 

 

 

Read more...