WATCH: Buntis, muntik mapaanak matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyang SUV

Kuha ni Jong Manlapaz

Muntik nang madisgrasya ang isang buntis na kagagaling lamang sa ospital matapos na mabangga ang sinasakyan nitong SUV sa isang Taxi.

Naganap ang aksidente sa Quirino Highway sa Barangay San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Kagagaling lamang sa Bernardino Hospital ng SUV sakay ang buntis at dalawang iba pa nang banggain ng humaharurot na taxi.

Sa lakas ng pagkakabangga, halos mawasak ang harapan ng SUV.

Maswerte namang hindi nasaktan o nasugatan ang buntis at dalawang kasamahan.

 

Narito ang report ni Jong Manlapaz:

 

 

 

 

 

 

Read more...