Pinayagan nang makalabas ng ospital si Senador Sherwin Gatchalian matapos itong makaranas ng pagkahilo at panghihina sa Senado kahapon.
Sa isang statement, sinabi ng senador na nagpapagaling na ito sa bahay kasama ang kanyang pamilya.
Tiniyak rin nito na maayos ang kanyang kondisyon at nangangailangan lamang ng pahinga.
Ang 43-anyos na si Gatchalian ay isinugod sa Makati Medical Center matapos makaranas ng pagkahilo at panghihina, Miyerkules ng hapon.
Bago ito, pinangunahan ni Gatchalian ang deliberasyon ng budget hearing ng Department of Energy noong umaga.
Ayon sa kanyang staff, posibleng ang matinding puyat, pagod at gutom ang dahilan kaya’t sumama ang pakiramdam ng senador.
MOST READ
LATEST STORIES