Team Pilipinas, may 10 ginto na sa 2017 SEA Games

 

Patuloy na umaarangkada ang mga atletang Pinoy sa nagaganap na 2017 South-East Asian Games sa Kuala, Lumpur, Malaysia.

Sa pinakahuling medal tally, nakamit ng Pilipinas ang 10 gold medals, 15 silver medals at 20 bronze medals.

Nasa ika-anim na pwesto ang Pilipinas sa ranking.

Kabilang sa nakasungkit ng ginto kahapon sina Trenten Anthony Beram para sa men’s 200m at Aries Toledo sa decathlon, kapwa sa ilalim ng Athletics.

Samantala, sa larangan naman ng Basketball, kapwa tinalo ng Gilas Pilipinas at Perlas Pilipinas ang Malaysia at Thailand.

Hindi umubra ang home court advantage ng Malaysia sa Gilas matapos talunin sa iskor na 98-66 na nagpanatili sa malinis na 3-0 record ng PIlipinas.

Umaarangkada rin ang Billiard Legend na si Efren Bata Reyes matapos talunin si Tran Leanh Tuan ng Vietnam sa iskor na 3-0 at nagadvance na sa quarterfinals ng English billiards singles.

 

 

Read more...