Mga deposito sa mga sequestered companies ng PCGG sa panahon ni Andres Bautista sisilipin ng senado

 

Inquirer file photo

Iimbestigahan na rin ng senado ang umano’y mga deposito ng mga sequestered companies ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa Luzon Development Bank (LDB) na una nang sinilip ng NBI.

Sa ginawang pagdinig ng Senate committee on banks and financial institutions, isiniwalat ni Atty. Minerva Retanal, Executive Officer ng NBI anti-fraud division ang kahina-hinalang deposito sa LDB ng mga umano’y mga kumpanyang na-sequester ng PCGG sa panahon ng pangangasiwa ni COMELEC Chairman Andres Bautista.

Ayon sa NBI, nabuksan ang mga accounts sa LDB noong 2012 at nai-close account noon lamang isang taon, 2016.

Ayon kay committee chairman Sen. Chiz Escudero, kailangang madetermina kung matagal na itong ginagawa ng mga sequestered companies na magdeposito sa bangko na malapit o kaibigan ng PCGG chairman.

Read more...