Concert sa PUP, nauwi sa stampede

 

Photos from JR Hementera Advincula

Nauwi sa stampede ang masaya sanang concert na inorganisa ng student organization na Junior Marketing Executives ng Polytechnic University of the Philippines – Sta. Mesa para sa selebrasyon ng Marketing week sa pamantasan.

Photos from JR Hementera Advincula

Sa video at pictures na inupload ni JR Hementera Advincula, makikita kung paanong nagtulakan ang mga estudyante na dahilan para masira ang entrance door ng gymnasium.

Makikita rin sa mga larawan at video ang nagkalat na mga bag, sapatos at gamit ng mga mag-aaral na naidulot ng pagtutulakan.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 2,000 ang shares ng naturang post at 200,000 ang views ng video na naiupload.

Kabilang sa mga magtatanghal sana sa konsiyerto ang sikat na mga OPM bands Callalily, Silent Sanctuary at SUD.

Photos from JR Hementera Advincula

Ang concert ay inorganisa sa pakikipagtulungan ng Vivo Philippines para sa kanilang campus tours na pinamagatang “Vivo Campus Invasion.”

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng PUP- Sentral na Konseho ng Mag-aaral (PUP-SKM), sinabi nitong ikinalulungkot ng konseho ang kaguluhang nangyari sa event na dahilan ng pagkahimatay ng ilang mag-aaral.

Ayon sa SKM, ang kanselasyon ng event ay dahil na rin sa naging rekomendasyon ng College of Human Kinetics at ng Security at Medical Office.

 

Read more...