Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa sa mga pulis na itigil na ang pagtatanim ng ebidensya sa mga suspek ng iligal na droga.
Babala ng hepe ng pambansang pulisya, nakikita sila ng diyos at darating din ang oras na na pagbabayaran ng mga ito ang maling gawain.
Ani dela Rosa, mas makabubuti ang buong pusong pagtatrabaho at pagseserbisyo sa publiko.
Nahaharap sa kontrobersya ang PNP sa pagkakapatay ng Caloocan police sa 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos sa anti-drug operations matapos umanong manlaban.
Bukas ay haharap sa Senado ang mga pulis na sinasabing nasa likod ng pagpatay sa Grade 11 student na si delos Santos.
READ NEXT
Tulay na nag-uugnay sa Isla ng Taipa at Macau, isinara sa gitna ng pananalasa ng Typhoon Hato
MOST READ
LATEST STORIES