“Mala-animal style” na paglaban sa mga adik, pinahihinto ni PNP Chief Dela Rosa

Pinahihinto na ni Philippine National Police Chief Director Ceneral Ronald Dela Rosa ang mga pulis sa pagsasagawa ng “mala-animal style” na paglaban sa mga durugista.

Sa talumpati ni Dela Rosa sa 116th police service anniversary sa Police Regional Office 7 sa Cebu, sinabi nito na batid niya kung gaano ka-pursigido ang mga pulis na tuldukan ang problema sa illegal na droga.

Pero hindi aniya ang “mala-animal” na istilo ng pagsugpo sa mga durugista ang tamang paraan para masolusyunan ang problema.

Payo ni Dela Rosa, huwag taniman ng ilegal na droga ang mga durugista kapag nahuhuli sa operasyon at walang nakukuhang ebidensya.

Babala pa ni Dela Rosa, binabantayan ng Panginoon ang bawat galaw ng mga pulis.

Darating aniya ang panahon na sisingilin ang mga pulis sa mga pagkakamaling nagawa sa kapwa.

Gayunman, binigyang-diin ni Dela Rosa na hindi pa rin titigil ang PNP sa anti-illegal drug campaign.

Kung hindi aniya titigil ang mga drug personalities ay hindi rin titigil ang kanilang hanay.

Hawak aniya ngayon ng PNP ang tamang momentum kontra sa ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

Read more...