Traffic enforcer sa QC, patay sa pamamaril

Patay ang isang traffic enforcer matapos barilin sa Ilang-Ilang Street, Barangay Pasong Putik, Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Teoginez Mendez, 40 taong gulang na binarily ng naka-motorsiklong suspek.

Ayon sa mga saksi, naglalakad lamang pauwi si Mendez matapos ihatid ang kaniyang anak sa Maligaya Elementary School alas-6:10 ng umaga nang bigla na lamang ito paputukan.

Apat na tama ng bala ng baril ang tinamo ni Mendez sa kaniyang likod.

Samantala, hindi naman nakuhanan ng CCTV ang pagpatay sa traffic enforcer dahil ayon sa Barangay na may sakop sa crime scene ay under rehabilitation daw ang mga CCTV sa lugar.

 

 

 

Read more...