2018 budget ng OVP, inaprubahan na ng Senado

Inaprubahan na ng Senate Committee on Finance ang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2018.

Dumalo sa budget hearing si Vice President Leni Robredo upang ipresenta ang mga plano ng kanyang tanggapan sa susunod na taon.

Nagrequest ang OVP ng 443.946 milyong piso para sa taong 2018, mas mataas ng 3.6 percent sa budget ng opisina ngayong taon na aabot lang 428.618 milyong piso.

Ayon kay Robredo ang bahagyang pagtaas sa budget ay dahil napunan na ang mga bakanteng posisyon sa kanyang opisina.

Mananatili ring nakafocus ang mga programa ng OVP sa pag-aangat sa buhay ng mga mahihirap ani Robredo.

Ipinagmalaki ni Robredo ang mga nagawa ng opisina lalo na sa kanyang anti-poverty program na “Angat-Buhay” na nakatuon sa universal healthcare, education, food security, rural development at women empowerment.

Nangako naman ng tulong sina Sen. Loren Legarda at Sen. Bam Aquino, Chairman at Vice Chairman ng komite na iaassist ang pangalawang pangulo sa pakikipag-ugnayan nito sa iba pang ahensya ng gobyerno para masagawa ang kanyang mga plano.

Hindi naman umabot sa isang oras ang budget hearing para sa tanggapan ng pangalawang pangulo.

Read more...