Una nang inialis ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong August 16 ang tatlo sa arrest order base na rin sa naging rekomendasyon ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).
Nabatid na wala umanong koneksyon ang mga ito sa teroristang Maute Group.
Pero ayon kay Lorenzana, pumalag ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), mga lider sa Marawi at Lanao Del Sur kung kaya ni-recall niya at kinansela ang clearance kay Solitario at sa dalawa niyang anak epektibo kahapon.
Dahil dito, sinabi ni Lorenzana na subject na ngayon sa arrest order ang tatlo.
Sinabi naman ni OPAPP Secretary Jess Dureza na tatalima ang kanilang hanay sa kautusan ni Lorenzana.