Gilas Pilipinas, talo kontra Iran sa 2015 Jones Cup

 

Mula sa pba.inquirer.net

Hindi nakalusot ang Gilas Pilipinas sa malalaki at matatangkad na players ng national team ng Iran sa pagpapatuloy ng pagsabak ng koponan sa 37th William Jones Cup.

Nagtapos ang laro sa score na 65-74 pabor sa Iran, sa nagpapatuloy pa ring 2015 Jones Cup na ginaganap sa Xinzhuang Gymnasium sa New Taipei City, Taiwan. Binantayan ng husto ng Iran ang point guard ng Gilas na si Terrence Romeo kaya hindi ito masyadong naka-porma

Idagdag pa ang ilang shooters ng team na inalat na hindi nakapasok.

Muli namang naglaro ang dating NBA player na center ng Iran na si Hamed Haddadi na nagpahinga kahapon sa laban nito kontra USA.

Sa ngayon ang national team ay mayroon nang dalawang talo at tatlong panalo.

Read more...