Operasyon ng LRT 2, sinuspinde dahil sa technical problem

Sinuspinde ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) ngayong umaga ng Martes dahil sa technical problem.

Inanunsiyo ng LRTA ang suspensyon ng operasyon ng Line 2 bandang 9:40 ng umaga.

Bandang 10:33 ng umaga naman nang maibalik sa normal ang operasyon.

Ang LRT 2 ay may biyahe mula Santolan sa Pasig City, hanggang Recto sa Maynila.

Binabagtas ng LRT 2 ang Pasig, Quezon City, San Juan at Manila.

Read more...