Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales ito’y para magkaroon ng sapat na panahon para matapos ang trabaho sa priority measures.
Dalawang linggo rin ang ilalaan para sa plenary deliberations at pagpapatibay ng 2016 National Budget.
Sa October 10 naman itinakda ang adjournment ng kongreso para sa kanilang Undas break.
Kabilang sa priority bills na napagkasunduan ng mga lider ng mataas at mababang Kapulungan sa ginawa nilang pulong ay ang 2016 National Budget, at Bangsamoro Basic Law o BBL.
Pasok din sa prayoridad ang SK reform bill, panukalang pagtatag sa Department of Information and Communications Technology, pag-amyenda sa Customs Modernization and Tariff Act at ang Indexation ng Revised Penal Cidr para mai-akma sa kasalukuyang panahon ang halaha ng mga multa sa ilalim nito.
Itsapwera naman sa priority measures ng Senado at Kamara ang ilan sa mga kontrobersyal na panukalang batas, sa nalalabing buwan ng 16th Congress.
Wala kasi sa listahan ang Freedom of Information o FOI bill, Anti Political Dynasty Bill at ang Economic Charter Change o Cha Cha Resolution, na pet measure pa man din ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.