Gayunman, sa kabila ng pagkadismaya ay sinabi ng pangulo na wala naman na siyang magagawa tungkol dito.
Ayon sa pangulo, ito ay bahagi na ng trabaho ng Kongreso para sa check and balances ng gobyerno.
Nanghihinayang si Duterte lalo na’t aniya ay talagang matalino si Taguiwalo.
“Sayang, she was really bright,” ani Duterte.
Nang tanungin naman ang pangulo kung may napipisil na ba siyang pumalit kay Taguiwalo, nagbiro pa ito na inalok na niya ang posisyon sa reporter na si Doris Bigornia ngunit hindi aniya ito pumayag.
Hindi naman na nabanggit ni Duterte kung mayroon na siyang napili para sa posisyon, pero sinabi niyang ang nais niyang pumalit kay Taguiwalo ay isang taong umiiwas sa katiwalian at taos-pusong magtatrabaho sa DSWD.
Pansamantala ay itinalaga muna ng Malacañang bilang officer-in-charge sa kagawaran si Usec. Emmanuel Leyco.