Iba pang mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs, dapat din na maimbestigahan-Drilon

 

Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kaniyang mga kapwa senador na siguraduhing magiging patas ang ikinakasang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng 17-taong gulang na binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.

Umaasa si Sen. Drilon na hindi lamang sesentro ang hearing sa pagbusisi sa pagkamatay ni Kian kundi maging sa kaso ng iba pang mga biktima at kung bakit ito humantong sa pagkakapaslang sa kanila.

Sa Huwebes ng hapon itinakda ang pagdinig ng usapin sa committee on public order and dangerous drugs na pinangungunahan ni Sen Ping Lacson .

Samantala, nakiisa naman si Drilon sa panawagan ng Simbahang Katolika sa re-orientation sa proseso ng war on drugs ng Duterte administration.

Giit ng senador, hindi niya maaaring suportahan ang kampanya na ang sukatan ay ang gabi-gabing patayan kung saan padami ng padami ang bilang ng mga napapatay na mga drug suspects kung saan nadadamay pati ang mga inosente.

Read more...