Tiniyak rin ng pangulo na kung mapapatunayang may responsibilidad ang mga pulis sa insidente ay tiyak na makukulong ang mga ito.
Sa pagharap ng pangulo sa mga mamamahayag sa Malacañang, tiniyak ng pangulo na walang ‘luto’ na mangyayari sa naturang kaso.
“I saw the tape doon sa tv, and I agreed that there should be an investigation…should the investigation point to liabilities by one, two or all, there will be a prosecution, and they have to go to jail if convicted. That i can assure you.”
Iginiit pa ni pangulong Duterte na kung lumabas sa imbestigasyon sa Delos Santos case na sinadya ang pagpatay sa 17-anyos na binatilyo ay haharap sa batas ang mga ito at makukulong.
“Kung talagang rubout, maaasahan ninyo , they have to answer for it, they have to go to jail. Pahayag ng pangulong Duterte.”
Matatandaang makailang ulit na binanggit ni Duterte sa kanyang mga nakalipas na pahayag na todo ang kanyang suporta sa mga pulis na nakakapatay ng mga drug personalities.
Nagpahayag pa ito ng pagsuporta noon nang makapatay ng mahigit tatlompung drug personalities sa ‘One time Big time operations sa lalawigan ng Bulacan kamakailan.