Nadagdagan pa ang lakas ng tropical storm Isang habang kumikilos patungo sa extreme northern Luzon.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, ang bagyong Isang ay huling namataan sa 275 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 97 kilometers bawat oras.
West Northwest ang direksyon ng bagyo sa bilis na 17 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Batanes Group of Islands at signal number 1 naman sa Babuyan Group of Islands.
Pinalalakas pa rin ng nasabing bagyo ang Habagat na nagdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES