Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija, isinailalim na sa state of calamity dahil sa bird flu

Idineklara na ang state of calamity sa mga bayan ng San Isidro at Jaen sa Nueva Ecija dahil sa bird flu outbreak.

Ayon kay Nueva Ecija Governor Cherry Umali, batay sa nakuha niyang report ay may tig-isang farm sa dalawang bayan na positibo sa bird flu.

Base pa sa napasang ulat sa gobernadora, aabot sa pitumpu’t limang libong manok sa San Isidro at dalawampung libong manok naman sa Jaen ang kontaminado.

Sa kabila nito, tiniyak ni Umali na nagtutulungan ang lahat para maagapan ang problema.

Nauna nang kinumpirma ni Agriculte Secretary Manny Piñol na may bird flu sa San Isidro at Jaen.

Gayunman, itinanggi ng kalihim na may kaso na ng bird flu sa Mindanao.

Apela ni Piñol sa publiko, iwasan ang basta-bastang pagpapakalat ng mga impormasyon hinggil sa bird flu lalo na kung hindi pa ito kumpirmado ng mga otoridad.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...