Cebu Pacific, tinanggal ang bayad sa mga rebooking

FILE PHOTO

Inanunsyo ng Cebu Pacific sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page na tinanggal na nito ang bayad sa pagrerebook at pagpapabago sa flight details.

Ito ay bilang bahagi ng pagpapaganda ng airline sa kanilang customer service.

Hindi na pagbababayarin ang mga pasahero ng rebooking fee sakaling magawa ito sa loob ng 24 oras mula sa orihinal na oras na nai-book ang flight.

Bago ipatupad ang mga pagbabagong ito, nagbabayad ang bawat pasahero ng P1,500 na rebooking fee para sa domestic flights, P2,300 para sa short-haul flights at P2,500 para sa long-haul flights.

Bagamat tatanggalin na ang mga fees na ito, ayon sa airline, kailangan pa rin bayaran ng customer ang fare difference.

Samantala, ang mga ancillary services naman tulad ng pagpili ng upuan, baggage allowance at pre-ordered meals ay transferrable na rin sa ibang guests ng wala ring bayad.

 

 

 

 

 

Read more...