P137.5-billion 2018 budget ng DSWD, dapat maidepensa ng maitatalagang DSWD Chief

 

Fast learner.

Ito ang isa sa mga katangiang nais ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na taglayin ng maitatalagang bagong pinuno ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang magaganap na budget hearing ng kongreso ay susubok sa kakayahan at kahandaan ng bagong kalihim ng DSWD at tila isang patikim ng confirmation hearing.

Ayon kay Recto, dapat madaling matutunan ng bagong kalihim ang kalakaran sa ahensya lalo pa at isa ito sa mga nakatatanggap ng pinakamalalaking budget allocation kada taon.

Anya, dapat ay matalinong maidepensa ng maitatalang pinuno ng DSWD ang proposed P137.5-billion budget para sa taong 2018 matapos ang pagreject ng Commission on Appointments kay dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo.

Ang budget ng kagawaran para sa susunod na taon ay mas mataas ng 9.5 billion pesos sa alokasyon ngayong 2017.

Malaking bahagi ng DSWD ay mapupunta sa cash transfer program ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na aabot sa 89.4 billion pesos sa susunod na taon, mas mataas ng 11.3 billion pesos sa 78.1 billion pesos na budget ngayong taon.

Samantala, ang budget naman para sa pagkain ng mga kabataan undernourished ay bababa sa 3.42 billion pesos mula sa 4.42 billion pesos ngayong taon.

 

 

 

 

 

Read more...