‘Patay na si Hesus’, ‘100 Tula para kay Stella’ at ‘Birdshot’ inuwi ang special prizes ng Pista ng Pelikulang Pilipino

Iginawad ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang iba’t ibang special prizes sa tatlong kalahok ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa thanksgiving night nito linggo ng gabi.

Ang Jury’s Choice Award ay iginawad sa pelikula ni Victor Villanueva na “Patay na si Hesus.”

Nakamit naman ng “Birdshot” ni Mikhail Red ang Critic’s Choice Award samantalang iuuwi ng “100 Tula Para kay Stella” ni Jason Paul Laxaman ang Audience’s Choice Award.

Top trending topic ang thanksgiving at awards night ng Pista ng Pelikulang Pilipino sa Twitter Philippines.

Mapapanood ang mga entries ng film festival sa mga sinehan sa buong bansa hanggang Martes, August 22.

 

 

 

 

Read more...