Hepe ng Northern Samar, inireklamo ng sexual harassment ng isa ring pulis

Inireklamo ng isang babaeng pulis ang chief of police ng lalawigan ng Northern Samar.

Naghain ng reklamo si Police Officer 1 Catherine Adrianne Gatela Millan laban kay Police Regional Office 8 Investigation Division Sr. Supt. Ceasar Tannagan.

Ayon kay Millan, hinalikan siya ng hepe at tinangkang hawakan at hubaran.

Anya, nangyari ang mga insidente ng pang-aabuso noong Agosto 9 at 10.

Hinagkan at hinalikan umano siya ni Tannagan sa loob ng isang van at sinabing gusto siya nito.

Ani Millan, ipinatawag din siya ng hepe sa sleeping quarters nito sa provincial police office.

Isinara raw nito ang pinto, pagkatapos ay niyakap siya at itinulak sa kama.

Pinabulaanan naman ni Tannagan ang mga alegasyon ng babaeng pulis.

Pansamantalang nirelieve sa pwesto si Millan habang tumatakbo ang imbestigasyon habang nanatili sa posisyon si Tannagan.

 

 

 

 

 

Read more...