Sa briefing ng DOST-PAGASA alas-11 ng gabi, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 485 kilometro sa Silangan ng Batanes.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 17 kilometro kada oras.
Taglay ng Bagyong Isang ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Inaasahang mas lalapit ang bagyo sa Batanes group of Islands Lunes ng gabi at may posibilidad na maglandfall.
Sa kasalukuyan, nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batanes Group of Islands
– Babuyan Group of Islands.
MOST READ
LATEST STORIES