Nakuhanan ng Imahe mula sa Satellite ang mga barko ng China malapit sa Pag-Asa Island.
Ito ay base sa kumpirmasyon ng American Think Tank kung saan namataan umano ang mga Chinese Vessel.
Siyam na Chinese Fishing vessels at Dalawang Chinese Navy Ships ang nakuhanan ng Satellite Imaga noong Agusto 13 ng Asia Maritime Transparency Initiative of the Center for Strategic and International Studies o AMTI na malapit ng Pag-asa island.
Hindi naman masabi ng AMTI kung ang mga barkon giyon ay may kaugnayan sa maritime militia ng China, pero ang dalawa raw sa mga ito ay tila nangingisda lamang.
Una nang ininunyag ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang natanggap niyang impormation mula sa kanyang military sources hinggil sa aniya’y kahinahinalang mga Chinese boats sa hilagang bahagi ng Pag-asa island.