Bilang ng sugatang Pinoy sa Barcelona terrorist attack, umakyat na sa 4

INQUIRER FILE PHOTO

Umakyat na sa 4 na Pilipino ang kumpirmadong sugatan sa nangyaring terrorist attack sa Las Ramblas tourist district, Barcelona, Spain noong nakaraang linggo.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, binabantayan na rin ni Chargé d’Affaires Emmanuel Fernandez ng Philippine Embassy ang kundisyon ng kwarenta’y tres anyos na Pilipinang ina na lubhang nasugatan sa naturang terrorist attack.

Aniya pa, nakikipag-ugnayan na ang embahada sa Honorary Consulate para sa lahat ng posibleng tulong sa mga kababayan na malubha pa ang lagay sa
ospital.

Dagdag pa nito, ipinagdarasal din ng lahat ang pagrekober ng Pinay at mahanap ang nawawalang pitong gulang na anak.

Read more...