Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nasugatan o nadamay sa pananaksak sa Finland na ikinasawi ng dalawa katao.
Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, kinokondena ng ahensya ang naturang pag-atake sa Finland.
Nagpaabot na din ng pakikiramay ang DFA sa gobyerno ng Finland at maging sa pamilya ng mga biktima.
Batay sa report, isang Moroccan ang umatake sa ilang mga babae sa Turku, na dating capital ng Finland.
Ayon sa DFA, apat na foreign nationals ang nasugatan pero wala sa mga ito ay Filipino.
Nanawagan naman si Cayetano sa mga Filipino sa Finland na mag-ingat at maging alerto.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang Philippine Embassy sa Norway sa Philippine Honorary Consulate General sa Helsinki sakaling mangailangan ng tulong ang mga Pinoy.