Pinangangambahan pumalo pa sa mahigit dalawandaang katao ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Democratic Republic of Congo.
Batay iyan sa pagtaya ng mga opisyal matapos gumuho ang lupa sa bahagi ng bayan ng Ituri.
Nabatid na bago ang naturang pagguho ay may naitala ring landslide sa bayan ng Tora sa lake Albert noong Huwebes.
Sa tala, madalas na magkaroon ng landslide sa Central Africa dahil sa deforestation at sobrang dami ng tao.
Unang napaulat ang pagkakalibing sa putik ng halos 500 katao sa Sierra Leone habang may 600 iba pa ang pinaghahanap.
MOST READ
LATEST STORIES