DepEd, kinondena ang pagkakapatay sa menor de edad na si Kian sa Caloocan

FB Photo

Mariing kinondena ng Department of Education ang pagkakapatay sa grade 11 student na si Kian Delos Santos ng mga pulis sa isang anti-drug operation sa Caloocan City.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na bagaman suportado nila ang war on drugs ng pamahalaan, dapat sundin pa din ang rule of law.

Mariin ang pagtutol ng ahensya sa anumang bayolenteng hakbang laban sa kanilang mga estudyante, guro at mga tauhan.

Suportado rin ng DepEd ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Napatay si Kian sa drug operation na ikinasa ng mga pulis sa Caloocan gabi ng Miyerkules.

Ayon sa mga pulis, nanlaban si Kian habang inaaresto kung kaya napilitan silang paputukan ito ng baril na naging dahilan ng pagkakasawi ng binatilyo.

Read more...