Nasa kustodiya na ni Sen. Risa Hontiveros ang mga testigo sa pagpatay sa binatilyong si Kian delos Santos sa isang anti-drug operation na ikinasa ng mga pulis sa Caloocan City.
Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros na kinuha nila ang kustodiya ng mga saksi para matiyak ang kanilang kaligtasan.
Aniya, ang proteksyon na ibibigay sa pamilya ni Kian ay kapareho ng ibibigay sa mga testigo na tutulong para mabigyang ng hustisya ang pagkakapatay sa menor de edad.
Giit ni Hontiveros, ang lahat ng mga naaapi ay lalaban.
Bukod sa pagkuha sa kustodiya, isa pa aniyang konstitusyon ang tutulong sa kaso ni Kian.
Una nang nagpahayag ng pagkondena ang ilang mga senador at grupo sa pagpaslang sa Grade 11 student.
Salungat sa pahayag ng mga pulis na nanlaban si Kian habang inaaresto, ilang saksi ang nagsabi at batay na rin sa CCTV footage na kinaladkad at binigyan ng baril bago paputukan ang binatilyo.