Personal na nagparating ng pakikiramay si Vice President Leni Robredo sa naiwang pamilya ni Kian Loyd delos Santos, ang binatang napatay sa isang anti-drugs operation sa Barangay 160, Caloocan noong nakaraang linggo.
Mula Naga City, dumating si Robredo para magpakita ng pakikisimpatya bandang alas siyete ng umaga.
Nakausap naman ng bise presidente ang tatay ni Kian na si Zaldy.
Maliban sa burol, pinuntahan rin ni Robredo ang lugar kung saan nabaril ang di sisyete anyos na binata maging ang lugar kung saan nakuha ang CCTV footage na nakitang kinakaladlad ito ng 2 pulis.
Nag-alok naman ng tulong si Robredo sa pamilya kasama ang libreng legal assistance katuwang ang Free Legal Assistance Group (FLAG).
MOST READ
LATEST STORIES