Ayon sa PAGASA, maaaring maging bagyo na sa susunod na mga oras ang nasabing LPA lalo na’t ito ay kasalukuyang nasa karagatan.
Dahil sa lokasyon nito, humihigop na anila ito ng enerhiya sa karagatan.
Batay sa latest weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 830 kilometers east ng Basco, Batanes.
Inaasahang palalakasin din nito ang southwest monsoon o hanging habagat.
Posible din magdulot ito ng pulo-pulong malakas na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Visayas at mga rehiyon ng Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Bicol.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang mahina hanggang sa malakas pag-ulan at pagkidlat ang nalalabing bahagi ng bansa.
Sakaling maging ganap na bagyo, sinabi ng PAGASA na papangalanan ang LPA na “Isang”.