Ayon kay NPC commissioner Raymund Liboro, dapat alam ng mga mangangasiwa nito ang kaakibat na panganib at benepisyo ng paglalabas ng ganitong klaseng impormasyon sa bawat estudyante.
Dapat aniyang matiyak ang proteksyon ng mga magpopositibong mag-aaral upang maiwasan ang diskrimasyon.
Giit naman ni NPC deputy commissioner Ivy Patdu, dapat ring mag-implementa ng mahigpit na polisya ang mga institusyon sa paghingi ng resulta nito.
Matatandaang ipinag-utos ng Commission on Higher Education ang pagsasagawa ng random drug testing sa mga estudyante sa high school at kolehiyo bilang parte ng comprehensive dangerous drugs law.