23 patay makaraang madiskaril ang train sa India

Hindi bababa sa dalawampu’t tatlo ang nasawi habang marami ang nasugatan matapos madiskaril ang isang express train sa north India.

Ayon kay G S Priyadarshi, Muzaffarnagar district magistrate, kumpirmadong dalawampu’t tatlo ang nasawi habang animnapu’t apat na iba pang ang nasugatan sa naturang insidente.

Nabatid na labing apat na train ang nadiskaril malapit sa Muzaffarnagar district sa Uttah Pradesh kung saan 130 kilometers ang layo sa New Delhi.

Sinabi ng mga pulis na nasa lugar na aabot sa limampung biktima ang naisugod na sa ospital.

Ayon kay Senior Police Officer Jitender Kumar, sinusubukan nilang ilabas ang iba pang mga pasahero na nananatiling trap sa loob ng mga train.

Gumagamit na rin aniya ng metal cutters at cranes para makapasok sa loob ng nadiskaril na mga train at mapabilis ang pagliligtas sa mga biktima.

Nabatid na umalis ang nasabing train sa Puri City gabi ng Huwebes at nakatakda sanang dumating sa northern Hindu Holy City sa Haridwar ngayong araw ng Linggo.

Kaugany nito, nagpaabot na ng pakikiramay si Prime Minister Narendra Modi sa pamilya ng mga nasawi sa insidente at tiniyak na magbibigay sang gobyerno ng anumang tulong sa kanila.

Read more...