Bilang ng kinatay na ibon sa Nueva Ecija dahil sa bird flu, aabot sa higit 500,000

FILE PHOTO

Aabot sa 500,000 ibon ang idinaan sa culling process sa San Luis, Pampanga matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) ang kontaminasyon sa avian influenza virus.

Paliwanag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Batay sa Facebook post nito, sinabi ni Agriculture Regional Director Roy Abaya na boluntaryong nakiisa ang mga may-ari ng 29 na poultry farm sa loob ng 7-kilometer radius na katayin ang 214,506 na manok, pato at pugo.

Matapos ang operasyon, magsasagawa aniya ng clean-up and disinfection operations ang bio-security team sa poultry farms sa mga bayan ng Jaen at San Isidro sa loob ng 21 araw.

Sakaling walang lumabas na kaso, sinabi ni Piñol na maaari nang ideklara ng Bureau of Animal Industry ang mga bayan bilang bird flu-free at tatanggalin ang ban sa pagsusuplay ng poultry products sa bansa.

Samantala, umaasa naman ang kalihim na ito na ang huling kaso ng AI virus sa bansa.

Read more...