Biyahe ng LRT-2, nilimitahan mula Santolan hanggang Cubao stations

From LRT Line 2 FB page

Inanunsiyo ng Light Rail Transit Authority limitado ang operasyon ng LRT Line 2 mula Santolan hanggang Cubao stations at vice versa simula 4:30 ng madaling araw ngayong Linggo.

Sa inilabas na abiso ng LRTA, nakasaad na downgraded ang kanilang operasyon para magbigay daan sa nagpapatuloy na pagsasaayos ng power cables, signaling at telecommunications fiber optics system na nasira dahil sa naganap na sunog gabi ng Sabado.

Nabatid na sumiklab ang apoy bandang 9:57 ng gabi ng Sabado malapit sa Pureza station dahil sa sunog na junction box ng overhead catenary wire.

Ayon sa LRTA, ito ang nagsusuplay ng 1,500 volts DC sa kanilang mga train.

Posible aniyang ang matinding pag-ulan at kidlat na nakaapekto sa nakalabas na cables ng train ang nagdulot ng sunog na kumalat naman sa nasabing junction box.

Nakasaad din sa abiso na binibilisan na ng Maintenance Team ang repair para maibalik na ang normal na operasyon ng LRT Line 2.

Read more...