Pagbitay sa Pinoy murder convict sa Malaysia ipinagpaliban

Hindi itinuloy ng Malaysian government ang pagbitay sa isang Pinoy na nahatulan sa nasabing bansa dahil sa kasong murder.Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang Pinoy convict na si Ejah bin Jaafar.

Si Jaafar ay nahatulan ng parusang kamatayan noong September 2006 at nakatakda sanang bitayin kahapon, araw ng Biyernes.Ipinaliwanag ng DFA na personal na ipinag-utos ni Sabah Governor Tun Datuk Panglima Haju Juhar Haji Mahiruddin ang pagpapaliban sa bitay.

Ito ay makaraang maghain ng apela ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur.

Sinabini Philippine Ambassador to Malaysia Charles Jose na ipinag-utos ng Governor of Sabah na muling ibalik ang kaso ni Jaafar sa Sabah Pardons Board para sa kaukulang review.

Kaagad namang nagpasalamat si DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa gobernador ng Sabah.

Kasabay nito ay tiniyak rin ng kalihim na bibigyan nila ng kinakailangang legal assistance si Jaafar para maipagtanggol ng maayos sa hukuman ang kanyang kaso.

Read more...