Katiwalian sa DSWD pina-iimbestigahan ni Taguiwalo kay Duterte

Inquirer photo

Walang tampo kay Pangulong Rodrigo Duterte si dating Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo.

Ito’y makaraang hindi siya ipagtanggol ng pangulo sa pagkakabasura ng Commission on Appointment sa kanyang nominasyon sa DSWD.

Sinabi ni Taguiwalo na tanggap nya ang kanyang sina kamay ng mga mambabatas basta’t ang importante ayon sa dating opisyal ay imbestigahan ng pangulo ang mga katiwaliang nagaganap sa loob ng kanyang dating pinamumunuang tanggapan.

Ayon sa dating kalihim, ibinigay na niya sa pangulo ang mga detalye ng kanyang natuklasang mga anomaly sa loob ng DSWD.

Sapat na rin umano para sa kanya ang inilabas ng Malacañang  na pahayag na nagbibigay ng pasasalamat sa kanyang panahon na ipinaglingkod bilang DSWD secretary.

Read more...