Nakumpirma sa pamamagitan ng satellite images na inilabas ng Asia Maritime Transparency Initiative ang paglalayag ng iba’t ibang Chinese ships sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).
Namataan ang mga naval o law enforcement ships, coast guard at maging mga fishing vessels sa pinag-aagawang karagatan.
Ayon sa AMTI, mahirap tukuyin kung pawang mga maritime militia ang alinman sa mga namataang barko, pero dalawa ang natiyak nilang nangingisda dahil kita ang mga lambat nito sa tubig.
Nitong nakaraang linggo lamang isiniwalat ni Magdalo Partylist Cong. Gary Alejano ang mga aktibidad ng mga sasakyang pandagat sa WPS.
Wala mang kumpirmasyon mula kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Allan Cayetano, sinabi ni Cayetano na hindi dapat maalarma ang Pilipinas kung may presensya man ng Chinese vessels sa mga isla.
Dalawa sa mga sasakyang pandagat ang namataang nagingisda dahil sa mga fishing nets na nakalatag sa karagatan na makikita rin sa satellite images.
Samantala, isang fishing boat din na galing sa Pilipinas ang Nakita sa hindi inookupang sandbars malapit Pag-asa Island na hinihinalang nagmamanman sa presensya ng China.